PANAHON NG PALEOLITIKO,NEOLITIKO AT METAL

PALEOLITIKO
Ang Paleolitiko at ang panahon kung saan makikita/nakikita ang pag babagong-anyo ng tao. Isa sa mga pinakamahalagang pangyayari dito ay ang pag diskubre ng apoy. Ang mga tao sa Paleolitiko ay ang mga nomadiko, o walang permanenteng tirahan. Hinahati ang panahong Paleolitiko sa tatlong bahagi: Mahaba, Gitna, at Itaas. Ang panahon ng mababang Paleolitiko ay sinasabing panahon ng pag babago ng anyo ng tao. Dito nakikita ang isa sa mga pinakamahalagang yugto ng tao na tawag ay Australopithecine. Sinasabi ang nahukay na si lucy ay isang Australopithecine. Ang panahon ng Gitnang Paleolitiko ay sinasabing panahon ng pag kontrol ng mga Hominid sa kanilang Kapaligiran. Sa panahon ring ito nagsimula maihayag ng mga tao ng artistikong mga abilidad. Gumuguhit sila sa mga bato at Pinipinta nila ang kanilang mga katawan. Ang panahon ng Itaas na Paleolitiko ay sinasabing panahon ng pagbuo ng Kalinangan ng mga tao. Sa panahon ring ito umusbong ang mga Cro-Magnon. Sa panahong ito nagbago ang mga gawi, asal at pamumuhay ng tao
ANG PANAHON NG NEOLITIKO
Neklithic o New stone age
Ito ay hango sa salitang Griyego na Neos o "bago" at lithos o "bato".
Ito ang huling bahagi ng panahong bato.
Ito ay ginagamit sa arkeolohiya at antropolohiya upang italaga ang isang antas ng ebolusyong pangkalinangan o pag babago sa pamumuhay at teknolohiya.
Dumating ang panahon ng Neolitiko pagkatapos ng panahon ng Paleolitiko.
Ito ay walang iisang takdang panahon,bagkus ito ay dumating may taon na ang nakalilipas.
Ang pinakamaagang pinag-usbungan ng kulturang Neolitiko ay matatagpuan sa kanlurang Asya sa pagitan ng 8000 at 6000 B. C. E (Before Common Era)
Ang pangunahing tanda na ang isang lipunan ay dumating na sa Panahong Neolitiko ay ang pagpapaamo sa mga hayop.
Catal Huyuk- pamayanan sa panahon ng Neolitiko na natagpuan sa kapatagan ng konyang Gitnang Anatolia, na ngayon ay Turkey
PANGUNAHING KATANGIAN NG PANAHONG NEOLITIKO
Ang pagtatanim o paglilinang ng lupa, na tinatawag na agrikultura, ay ginagawa ng mga tao.Ang mga lalaki at babae ang nag tatanim subalit sa kalaunan, ang mga lalaki nalang ang nagtatanim.
Sila ay nagtatanim ng Trigo,barly, at iba pang mga pananim.
Paggamit ng kasangkapang bato na higit na pulido,pino at mas mahusay kaysa sa mga naunang uri nito.
Malaki at maganda ang mga pag kakagawa ng mga tahanan sa Panahong Neolitiko
Gumawa rin sila ng templo para sa kanilang mga relihiyon tulad ng makikita sa templo sa Mesopotamia,Ehipto, at Inglateta.
Nag-alaga din sila ng mga hayop tulad ng tupa at kambing para sa kanilang pag kain at pananamit.
Umunlad ang kaalaman sa pag kontrol ng apoy, na nag resulta sa pag papalayok.Inililining nila ang mga yumao sa kanilang bahay.Gumagawa rin sila ng mga alahas.Mayroong permanenteng tirahan.
PANAHON NG METAL
Panahin ng tanso 
Naging mabilis ang pag-unlad ng tao dahil sa tanso subalit patuloy parin ang pag gamit sa kagamitang yari sa bato.
4000 B.C sa ilang lugar sa asya, 2000 B.C.E sa Europe at 1500 B.C.E sa Egypt
Nalinang na mabuti ang pag gawa at pag papanday ng mga kagamitang yari sa
Ang unang natutunang gamitin na metal ng mga sinaunang tao ay ang tanso o copper.
Pinapainitan nila ang copper ore ng uling upang maging metal na tanso.
Madalas nilang gawin itong alahas sa kagamitang pandigma
Natutunan nipa ang pag proseso ng copper ore sa kanlurang Asya.PANAHON NG BRONSE
Naging malawakan na noon ang paggamit ng bronse nang matuklasan ang panibagong paraan ng pag papatigas dito.
Sa panahon ng Bronse (5,000- 1,200 B.C.E), nakalikha ng mga kagamitang pandigma na may matalim na bahagi.
Pinaghalo nila ang metal na tanso at metal na lata (Tin) at ang nabuong metal ay tinawag na bronze. 
Mas matibay sa Tanso.
PANAHON NG BAKAL
Natuklasan ang bakal ng mga Hittite isang pangkat ng Indo-Europeo na naninirahan sa kanlurang Asya dakonh 1,500 B.C.E
Natutuhan nilang agtunaw at mag panday ng bakal. 
Matagal nilang pinanatiling lihim ang pagtutunaw at pag papanday ng bakal.
At yun hagang dito na lang ang aking ibinahagi sa inyo sana ito ay nakatulong at kung may naiisip pa kayo na sagot o kulang sa aking ginawa ay i comment nyo na lang ha salamat.
IVAN STEVE P MATE
TEACHER:FELICITAS MASO CRUZ